Monday, November 21, 2011

Jelly Belly (11/20/11)
Hindi ako kumakain ng Jelly Belly. Hindi ko pa nga yata natikman.
Isang araw, natripan ko bumili. Wala lang. Ang ganda lang ng mga kulay at ang cute tignan.
Hindi lahat ng bagay kailangan munang matikman bago masabing masarap,
minsan sa tingin pa lang alam mo na :))



Amy (11/19/11)
Masama raw sa hikain ang may alagang aso.

Hikain ako.
May alaga akong aso.

Hindi mapapalitan ng kahit ano ang sayang naibibigay ng aso ko sa akin.
Ang inhaler, naglalaro sa 1k ang presyo.
Ang saya, walang katumbas.



Church of Gesu (11/18/11)
May mga pagkakataong hindi mo inaasahan.
Kaya't sulitin ang bawat pagkakataong ganito.

Maganda ang panahon. Maliwanag ang kalangitan.
Tanghaling tapat, tirik na tirik ang araw.
Naghanap ako ng magandang angle ng Gesu.

*Click*
:)



-Meg Rementina

No comments:

Post a Comment